Isang paggising at pilit na pagbangon'g labag sa aking kaloobang nais pang maidlip ngunit di na kaya....
Ewan ko ba kung bakit na sa dami ng damong nasindihan ko nung nakaraang gabi, at ilang bote din ng serbesang nilaklak sa Mogwai at ilang Diazepam din ang aking dinurog at sininghot ay di parin ako naipaghele ng pinaghalu-halong kimikal tungo sa mundo ng panatag at masarap na paghimbing....
Aaaah. Tulog, ang tagal na kitang hinahanap...Kung bakit kasi sa tuwing sa oras na kelangan kita'y tila isa kang multo't guni-guni...Isang mirage sa disyerto na pag-ika'y lalapit ay biglang nawawala at sa iyong pagmulat ay bubulatlat sa iyong harapan ang salimuot ng mundo, ang disyerto ng mga gising....Aaaah, tulog na mhimbing at masarap, nasan ka na?
Aaaahh.. Tulog, 'ika ko...
Walang laban sa pang-iinis ng mga engkanto ng pagkainip, binuksan ko ang PC sa tindahan na siya rin naming tahanan...Sarado pa ito, tulog pa ang kasama ko.
Nag-bukas ako ng facebook at kung anu-anong networking site na matagal ko nang 'di dinadalaw at matagal ko nang pinagsawaan...Kelangan kong kumunekta sa mundo, makakita ng bago o humanap ng shit... Pero wala akong nakitang huhuli sana sa aking maligalig na imahinasyon.
Tulog pa ang kasama ko....Oras na para sa youporn.com at akotube.com, isang linggong mahigit na akong hindi nakakakantot at medyo masalimuot pa ang huling pagkain ko sa luto ng langit dahil sa kakaibang amoy na aking nalanghap na naging dahilan ng ilang araw ding pagkamatay ng libog. Oo, sa tuwing ako'y hihiga at magbabate, ang mga sexing imahe ng mga dalagang hubong aking pinapatungan ay nilalamon bigla ng ala-ala ng kakaibang lansa na sa buong buhay ko'y ngayon ko lamang nalanghap... At biglang namamatay ang manoy at natitigil ang jackol....At ako'y malungkot nananaman habang nilalaplap ko ang mabaho't amoy pawis ko nang unan.
Visual aids ang porn, at nung nasa akotube nako, nabanas ako sa mga bitin at mabagal mag-load na video...Yung tipong nasa parteng sisimple ka na ng jackol (habang sumisimple ng tingin, alerto sa natutulog na kasama sa takot na baka ako'y mahuli)....Yung tipong ayan na't hinihintay mo na ang finale ang climax kung saan ang masaganang katas ay bigla nalang kakawala at sasabog sa bunganga ng seksi at maputing coed ay biglang, CUT, tapos na pala ang video, o di kaya'y mahigit na labing limang minutong video kung saan ang nakikita mo lang ay puwet na tumataas baba at mga ungol ang iyong naririnig...Makita mo lang ang mukha ng anghel na kinakatay at binibiyak sa sangkalang kama ay solb ka na, at puwede ka nang sumabay ng putok ng iyong malapot na katas, ngunit hindi dahil patapos na ang video ay yun parin ang eksena....Ni hindi mo nakita ang mukha ng sana'y pagnanasahan....
Nakahanda na ang maruming t-shirt na sana'y pagpuputukan ng tamod... at nakalabas na rin ang aking burat, na ngayo'y ubod na ng lambot.
Nawalan na ako ng gana, muling ipinasok ang munting laga pabalik sa gubat na kanyang pinagtataguan at muling nahiga sa banig na nakalatag sa sahig.... Pero wala, wala paring nangyari.
Magaalas-onse na noon, kaya lumabas na lang ako upang kumain sa Rodic's sa Upville.
Ang tapsilog sa Rodic's ay masarap...At mabilis din ang serbisyo, dahil yata nakahanda na ang mga lutong tapsi at sinangag, di tulad ng sa ibang tapsihan kung saan ang tapsilog ay niluluto lamang sa oras na may oorder. Hindi ganun sa Rodic's. Mabilis pa ka'y Flash ay nasa harapan ko na ang umuusok na tapsing nakabud-bod sa iababaw ng mabangong sinangag na pinapalamutian ng malasadong piniritong itlog. Ahhh, ang tapsing ito ba ay consolation sa pagka-olats ko sa pagtulog ng mahimbing? Ito ba ay magbabalik ng lakas na sinayang ng puyat at napurnadang jackol?
Hindi, dahil sa oras na isinubo ko ang putaheng nakahain sa akin, ay nanaig parin ang pagnanasang matulog pa ng mahabang-mahabang mahaba... Ang pagnanasa na makarating sa mundo ng mga panaginip, na kahit ang pinaka masalimuot na mga bangungot ay tatanggapin ko basta makatulog lang....
Naglakad akong pabalik sa tindahan, at doon ay naghanda na ako ng mga gamit na panligo...Mga alas-onse y medya na noon, kaya kailangan na ng aking pagal na katawang maligo dahil en puntong alas dose ay magbubukas na ang pinto ng tindahan sa mga parokyanong sabik na matikman ang mga epektos na aming binibenta.
Naligo ako. Ang sarap ng tubig habang dumadampi ito sa maputik at mainit na balat... Ang lamig, tila ba'y bumabalik ang lakas at sigla.... Nagsipilyo din ako, aking inenjoy ang kakaibang lamig ng toothpaste sa aking bunganga na naging tila kumpisal at komunyon din sa pari na siyang nag-alis ng mabahong bakas ng mga makasalanang bagay na ipinasok ko't inilabas mula rito nung nakaraan araw.
Matapos maligo't magbihis, umakyat na ako....Bukas na pala ang tindahan, ngunit sa aking pag-akyat sa hagdan, napuna ko na may kaunti pa akong amats. Groggy parin.
Anong tuwa ko nang sa aking pagpasok sa tindahan ay may nakalabas na gallon ng mineral water na may Extra Joss...Yes, energy boost to. agad kong kinuha ang baso ko't pinuno ito, umaapaw at handang ibsan ang pagkatuyo't na aking nararamdaman sa loob ng katawan matapos ang pagligo.
Ininom ko ito ng tila uhaw na uhaw, at nagulat ako dahil ang init ng agos nito sa aking lalamunan.... Shit, may alak ito! Tinanong ko ang kasama ko sa tindahan na ngayo'y siya na ang nasa harap ng PC
-Pare, may vodka ba ito? Ito yung nasa opisina nila *** sa likod kagabi di ba?
'Di pa nakakasagot ang kasama kong abala sa pagF-Facebook ay sumulpot sa pinto ang kaibigan naming si *** may dalang yelo na hiningi niya sa kapitbahay naming restawran...
-Wasak, pare ano ito? May halo ba itong iniinom niyo?
-Oo, shot muna para chill. May pasok ako mamyang 5 e.
-Tang ina, wasak pa ko sa kagabi e. Gusto kong mag sober ngayon.
-Digs lang yan. Smoke tayo mamya.
Shit, bumalik ang amats ko, pero hindi ang chill na tama ng chongkee, pero ang mainit at masakit sa ulong tama ng alcohol na pinuwersa mong inumin.... Kung di kasi ako tatanga tanga sana e di sana ay di ako nakainom ng isang punong baso ng hard.
Eto ang lifestyle namin, umaga palang sa pagbukas ng tindahan namin at ng opisina ng mga tropa namin sa likod ay inom na agad o kung anong shit ang unang gagawin...Pang-mindset ika nga.
Head Writer ng mga telenobela sa isang sikat na istasyon sa TV si ***, kung kaya kelangan niya ito... Alas-singko daw kasi kelangan niyang pumunta sa istasyon upang ihain sa mga bosing ang script ng isang shit na telenobela.
Maya-maya pa'y gumegewang na ako.
Ilang saglit pa'y nagkulong na kami sa opisina sa likod ng tindahan, at ako'y humiga sa sofa habang hinihimay nila ang grasya na ipapasok sa pipa. Eto na, sindi...pasa sa katabi...
Pasa kay ***, pasa kay ****.
Biglang tayo si ****, kinuha ang mahiwagang bag niya.
-Peeps, una muna ako may kukunin lang ako.
At umalis si ****.
Kaliligo ko lang amoy damo na ko.
Wasted na naman.
Sa tingin ko ay ganito na ang mangyayari sa buong araw ko, stuck up.
Matapos ang ilang ikot ng pipa, lumabas na ako at bumalik sa tindahan...
Paalis na rin si ***, papunta sa TV station.
Umupo ako sa harap sa terrace na naka-overlook sa kalsada, basag, sabog at bangenge...
Nang biglang isang malakas na boses ang bumasag sa katahimikan ng utak kong nagsisimula nang lumangoy sa mundo ng pagkawasak.....
- Nasan si ****?! May iniwan ba siya para sa akin?!
Nabasag ang aking pananahimik, si Giselle pala. May hinahanap. Nabasag din ang tama ko.
- Wala e, may kukunin lang daw.
Yun ang tipong shit na timing na patungo ka sa rurok ng pagkabangag e may biglang gugulat sa iyo... Parang inaantok ka na may biglang bubuhos sa iyo ng malamig at nagyeyelong tubig.
Maganda si Giselle Espino, pero sa sobrang pagkawasak, di ko na napansin ang maiksing shorts niya o ang karaniwang mga napapansin ng mga tunay at nasa katinuang lalake...Ang nasa isip ko lang ay tatayo ba ako o uupo lang dito o tutunganga na lang...Kasi nga stuck up ako e, and I want to stay that way.
Pero, siyempre kelangang mag-build ng rapport, tropa e...Kelangan nakikisama at friendly ka, wasted ka man o hindi.
- Yo, Giselle alam mo ba ang Nardong Tae?
- Hindi e.
- May kopya ako.
Kinuha ko ang kopya ng Nardong Tae mula sa bag at pinahiram ito sa kanya. Habang naguusap kami ay biglang pumasok sa likod na pinto si ****, ang taong hinahanap niya.
- Pre, hinahanap ka ni Giselle.
- Sige j, hiramin ko muna ito ha.
- Oks, isoli mo yan ha!
At biglang tila panaginip ay naglaho silang dalawa.
Lahat ata ng taong biglang sumusulpot ay hinahanap si ****. Kung ano man yun bahala na si Batman.
Basta pagka-alis nila ako nama'y bumalik sa kinauupuan at naghintay na matapos ang araw....
Unti-unti ay umakyat na ang tama ng chongkee at kumupas na ang tama ng alak...Good. Wala nang sakit ng ulo, chill na.
Naupo lang ako at naghintay...Naghintay na matapos ang araw.
At natapos nga ang araw, dumilim, may mga dumating at umalis, may mga tumambay saglit...Tuluy-tuloy ang ikot ng buhay. Pero andun ako, nakaupo sa tabi....
At maya-maya pa'y nagsidatingan ang ilang tropa at muli, nakita ko ang aking sarili, nakakulong uli sa loob ng maliit na opisina habang umiinom ng Grandeng Redhorse at muli'y nagsisindi ng chongkee at nagpapakawasak....Wasak








anyways, thanks for adding me to your watch list...^___^
--
AM SO READY.
--
My Website: http://www.missluana.com
Follow me on Twitter: http://www.twitter.com/luanalani
--
pukeboy in the haus...
--
my beastly tumblr.
--
"I thought I was an artist. I no longer think about it,
I AM."
- Henry Miller
--
my beastly tumblr.
--
"I thought I was an artist. I no longer think about it,
I AM."
- Henry Miller
--
"I thought I was an artist. I no longer think about it,
I AM."
- Henry Miller
--
Poetry must not mean
But be
~ Archibald MacLeish
--
"I thought I was an artist. I no longer think about it,
I AM."
- Henry Miller
Previous Page123Next Page